Home

Different World 12 Eleven

Different World - novelonlinefull.com

You’re read light novel Different World 12 Eleven online at NovelOnlineFull.com. Please use the follow button to get notification about the latest chapter next time when you visit NovelOnlineFull.com. Use F11 button to read novel in full-screen(PC only). Drop by anytime you want to read free – fast – latest novel. It’s great if you could leave a comment, share your opinion about the new chapters, new novel with others on the internet. We’ll do our best to bring you the finest, latest novel everyday. Enjoy

Hating gabi na ngunit hindi parin natutulog si Ria sa kanyang kwarto, nakaupo lamang ako sa kanyang study table habang nakaharap siya sa puwesto ko. Umiiyak at namamaga na ang mga mata.

I feel sorry for her. Kahit siguro ako sa ganuong kalagayan ay masisiraan ng ulo. Gusto kong haplusin ang buhok niya at yakapin siya ngunit wala akong ganuong kakayahan upang gawin iyon. Gusto ko mang sindihan ang kandil pero hindi ito ang tamang oras para gawin iyon. Mas mainam pa na hayaan ko siyang magisip ng sarili. Siya at siya lang ang makakaharap ng ganitong problema.

Napatayo ako at nagdesisyong lumabas upang silipin ang kanyang Ina ngunit nakita ko lamang ito na umiiyak sa labas ng kanyang silid. Nakaupo at may malalim na iniisip.

"Hindi nila makukuha saakin ang anak ko, hindi" patuloy na bulong niya habang nakat.i.tig sa pintuan ng kwarto ni Ria. Naaawa ako para sakanya.

Hindi ko lamang siya maintinddihan, kung ganito niya pala kamahal ang kanyang anak bakit niya ito pinagmamalupitan? Bakit hindi niya pinaparamdam dito na mahal na mahal niya ito?

~*~

Maaga nagising si Ria upang pumasok sa school, nakita pa niya ang kanyang Ina na nakatulog na sa labas ng kanyang silid. Sandali niya lamang itong tinitigan at tsaka kinuha ang k.u.mot sa loob ng kanyang silid at ipinatong rito. Matapos nun ay nagmadali na siyang lumabas ng bahay.

Akala ko ay pupunta siya sa school ngunit iba ang direksyon ng pupuntahan niya, dinala kami sa matayog na bahagi ng lugar na ito na kung saan ay makikita mo ang buong Village.

Pinasadahan ko rin ng tingin ang paligid ngunit napako ang tingin ko sa kulay maroon na bahay. Pamilyar na pamilyar saakin ito maging ang Veranda sa labas. Bahay ba namin iyon? Doon ako madalas na tumambay upang mag-drawing ng kung ano-ano.

Masaya akong napatingin kay Ria ngunit katulad ng tinitingnan ko ay doon rin siya nakatingin?

Sandali siyang napahinga ng malalim at tsaka may kinuhang notebook sakanyang bag. Kinuha niya rin ang maliit na camera na kung saan may lumalabas kaagad na litrato at awtomatikong nadedevelop.

Itinapat niya ito sa bahay namin... At nagsimula ng magpicture. Tinitigan ko lamang siya sa ginagawa niya hanggang sa matapos ito. Napatigil ako nang biglang mahulog ang notebook at umihip ang malakas na hangin.

Bawat pahina ng notebook na iyon ay itsura ko ang makikita, may mga note at kung ano-ano pa.

Kilala na niya ako bago ko pa siya nakilala?

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, natutuwa at basta. Napangiti ako ng malapad at kasabay ng pagngiti ko ay ang malungkot na luha ang umagos sa mata niya. Naramdaman ko ang lungkot na iyon.

Napaupo siya sa damuhan at ibinuklat ang Notebook. Idinikit niya narin doon ang litratong kinunan niya sa walang katao-taong veranda ng bahay namin.

Nagsimula na rin siyang magsulat.

"It would be nice if I die instead of you."

Please click Like and leave more comments to support and keep us alive.

RECENTLY UPDATED MANGA

My Girlfriend is a Zombie

My Girlfriend is a Zombie

My Girlfriend is a Zombie Chapter 828: The Power of the Improved Version Author(s) : Dark Litchi, 黑暗荔枝, Dark Lychee View : 2,284,235
Martial God Asura

Martial God Asura

Martial God Asura Chapter 6145: The Fish Clan and the God Clan Author(s) : Kindhearted Bee,Shan Liang de Mi Feng,善良的蜜蜂 View : 57,380,649
Shadow Slave

Shadow Slave

Shadow Slave Chapter 2069: Fragments of War (6) Author(s) : Guiltythree View : 5,490,161
Legend of Swordsman

Legend of Swordsman

Legend of Swordsman Chapter 6367: True Lord Ye Huo Author(s) : 打死都要钱, Mr. Money View : 10,269,237

Different World 12 Eleven summary

You're reading Different World. This manga has been translated by Updating. Author(s): IHIDEMYSELF. Already has 1607 views.

It's great if you read and follow any novel on our website. We promise you that we'll bring you the latest, hottest novel everyday and FREE.

NovelOnlineFull.com is a most smartest website for reading manga online, it can automatic resize images to fit your pc screen, even on your mobile. Experience now by using your smartphone and access to NovelOnlineFull.com