Different World - novelonlinefull.com
You’re read light novel Different World 11 Ten online at NovelOnlineFull.com. Please use the follow button to get notification about the latest chapter next time when you visit NovelOnlineFull.com. Use F11 button to read novel in full-screen(PC only). Drop by anytime you want to read free – fast – latest novel. It’s great if you could leave a comment, share your opinion about the new chapters, new novel with others on the internet. We’ll do our best to bring you the finest, latest novel everyday. Enjoy
"Ria, pumunta ka sa kwarto mo" malaawtoridad na sambit nito.
Sunod niyang tiningnan ang isang matandang lalaki na may kakaibang emosyong ipinapakita.
"Umakyat ka sabi sa kwarto mo." sigaw ng kanyang ina kaya wala na lamang itong ginawa kundi sundin ang sinabi nito.
Bago makapasok ay napatigil siya sa sinabi ng panauhin.
"Hanggang kailan mo ba ipagkakait saamin ang apo ko?"
"Sino ba ang hindi humanap saamin?" sumbat ng kanyang Ina.
"Hinanap kayo namin, hinanap kayo ng anak ko saan saan."
"So inaasahan mo na paniniwalaan ko lahat ng iyan"
"Mahirap maghanap sa taong ayaw naman magpakita" biglang natahimik ang kanyang Ina at masamang pinagmasdan ang matandang panauhin.
"Ngayong wala na si Rafael, namatay ang anak ko na hindi man lamang nayayakap o nakikita ang kanyang Anak. Gagawin ko ang lahat makuha ko lang ulit siya. Ngayon pa at nalaman ko na pinagmamalupitan mo siya?"
Napansin ko ang gulat sa mukha ni Ria at tsaka tuloy tuloy ang luha na lumandas sa mukha niya. Agaran akong napapanik upang pagmasdan siya ngunit mukhang ayaw niya pang pumasok sa loob ng kanyang silid. Kahit na hinang hina na ang kanyang tuhod sa mga narinig.
"Hindi, hindi mo siya makukuha saakin"
"Kahit anong gawin mo kukunin at kukunin ko parin siya sayo."
"Lumayas ka sa pamamahay ko. Layas" nanggagalaiti na sa galit ang kanyang Ina.
Walang nagawa ang panauhin kundi ang umalis sa loob ng bahay na iyon. Kapansin pansin ang pagtulo ng luha ng kanyang Ina, ngunit paglingon niya sa kwarto hindi niya inaasahan na nanduon pala ang kanyang Anak at walang tigil sa pagtulo ang luha.
"Hindi ba sinabi ko na sayo pumasok ka sa loob" sigaw niya rito
Naikiyom ni Ria ang kanyang kamao dahil sa sigaw nito.
"Para ba hindi ko marinig lahat?" sagot niya
"At kailan mo pa ako natutunang sagutin?"
"Ngayon lang, akala ko kaya ka malupit saakin dahil isa lang ako sa bunga ng panggagahasa nila sainyo. Pero sa lahat ng sinabi mo at narinig ko? Paano mo nagaw.a.n.g gawin lahat saakin to. Ma, tao rin ako. Hindi mo ba naisip yun. Tao rin ako, kung hindi mo kayang tratuhin ako bilang anak. Baka pwedeng kahit tao nalang" punong puno ang mga mata nito ng luha habang padabog na pumasok sa kanyang kwarto.
Pinansin ko ang emosyon ng kanyang Ina ngunit natataranta ito na animoy may pinangangambahan. Nanginginig narin ang kanyang kamay at ksabay nun ang pagpatak ng kanyang luha.
"Hindi pwede, hindi nila pwedeng kunin ang anak ko. Hindi" patuloy na bulong niya sa hangin habang hindi mapalagay.