Salbabida - novelonlinefull.com
You’re read light novel Salbabida 3 So Good Together online at NovelOnlineFull.com. Please use the follow button to get notification about the latest chapter next time when you visit NovelOnlineFull.com. Use F11 button to read novel in full-screen(PC only). Drop by anytime you want to read free – fast – latest novel. It’s great if you could leave a comment, share your opinion about the new chapters, new novel with others on the internet. We’ll do our best to bring you the finest, latest novel everyday. Enjoy
"Ang lamig naman dito!" Reaksyon niya. "Ganito ba talaga dito everyday?"
Um-oo naman ako. Kung tutuusin blessing in disguise iyon sa init ng panahon sa Pinas but in my case, hindi. Kaya napipilitan akong mag-jacket lalo na't umaalis ako sa bahay ng madaling-araw.
Mga alas-otso na rin noon at mukhang nakaalis na rin naman mga katrabaho ko. But since di ko naman siya madadala sa office, inaya ko na lang si Justine na tumawid na kami pShopwise. Parang natural at wala lang sa kanya na hinawakan ko ang kamay niya - malaki at dominanteng sumasaklob sa akin, mainit na parang naghahanap ng kalinga o kaya't handang ibsan ang lamig ng panahon. Pero maikli lang naman tatawiran namin kaya bitin yung moment.
Nung nasa KFC kami saka ko lang naalala na Kathniel na pala endorser ng fast-food. Sabay patugtog pa nung commercial nila habang busy sa PDA ang mga jejetweens:
Kapag tayo'y magkasama
Ramdam ko ang ligaya
Lalong tumitingkad
Ang lahat ng kulay
Kay sarap na mabuhay
Pag kasama mo'y tunay
Di ko namalayan na nLSS na ako habang naghihintay kami na makalapit sa counter. At pati siya, nakikikanta rin na parang may hugot siya. Pinagtawanan lang namin iyon hanggang sa nakulitan na yung ate sa counter kung anong order namin.
"Yung Duo Meal na lang..." Natatawa kong alok sa kanya. Kung alam lang niyang sinadya kong sa KFC siya dalhin just so that I can try the thing out - Php 75 savings din yun ano! Dalaw.a.n.g manok, Hotshots, mashed potatoes, rice tapos yung marshmallow with dip thingy nila na naintriga talaga ako.
"Ako na dito!" Sabay lapit sa kabilang side counter dahil balak niya siya na maghahatid nung pagkain sa table.
"Huwag na, ikaw nga ililibre ko ngayon di ba? Relax ka lang diyan." At mukhang napangiti siya thinking that I'm doing the stuff he used to do for me. Deep inside, I feel flattered that he still cares for me in the smallest ways. As if nothing has changed.
Buti na lang nakakita siya ng table sa party area. Sigurado habang tintry kong ihatid yung dalaw.a.n.g tray na may order namin iniisip ng mga magsyota sa paligid na kami. Isisa ko nang linatag yung pagkain while Justine's starting at it. Gutom na sigurado 'to - dito ata ako nahawa sa kalakasan ng appet.i.te eh.
"Bakit tatlo pala yung dala mong plato?" Tanong niya bigla sa akin. Actually may kasama na iyong gravy by default pero alam mo naman, ang mga hampaslupang gaya namin (quoting Senyora) ay ginagaw.a.n.g sabaw ang gravy. Paki ba niya, masarap eh - kahit Php 15 lang iyon sa Shopwise at kaya kong b.u.mili ng isang kahon kung gusto ko.
Saka ko lang narealize na ang awkward noon dahil nagmukhang ayaw kong makishare ng gravy sa kanya. Gusto ko lang dagdagan yung gravy, that's all. Saka alam ko naman na di nakukuha ang HIV sa laway o sa pag-gamit ng pinagkainan nila - nilublob ko pa nga yung Hotshots sa gravy na sinawsawan niya, just to prove my point.
We just moved on and went straight sa k.u.mustahan. Last kasi naming pagkikita is before yung graduation ko and we surely have a lot to catch up on - like how I hate my job kahit na masaya mga tao and I'm paid - no - being pampered sa sweldo.
"Think of it positively na lang." Payo niya sa akin, which I both did and didn't expected of him at the same time. How come na kahit may pinagdadaanan siya, he can still manage to smile and give me good advice? "At least may sweldo ka, you can buy all you want, napapakain mo pamilya mo. At least may pambayad ka na ng lahat ng utang mo sa akin dati!"
"Aba utang pala lahat ng libre mo sa akin noon! Sorry naman ha, ibabalik ko sa iyo...with interest!" At nagpatuloy na rin kami sa biruan na para bang walang awkwardness at wala kaming nakaraan.
Kung saan-saan nagpaikot-ikot usapan namin: paanong delayed pa rin sweldo niya sa trabaho at paano naging MMFF ang theme ng Christmas party nila, how come napuno ni Anne ang Araneta kahit na sintunado siya, bakit magkaway ang Kathniel at JaDine fans at yung n.o.bela kong di pa rin masabi ng publisher na pinasahan ko kung ipupublish ba nila o hindi. Pero sa lahat ng iyon, sinadya kong di siya usisain kung k.u.musta siya sa pamilya niya o how he copes up sa sakit niya. Alam ko lang he started to take meds. I tried to convince him to join a support group before pero di ko sigurado kung sumali talaga siya.
Ayoko na rin siyang usisain kasi I want to make him feel things are normal as they were kahit na sa totoo lang, HIV alters people's lives forever. Feeling mo para kang kriminal na nagtatago sa mga pulis, yung anxiety na iiwasan ka ng mga tao kapag nalaman nila na parang daig mo pa may ketong. Para siyang tattoo na imposibleng mabura.
"Tara, Starbucks tayo!" Aya ko since maaga pa naman, but he politely refused. Nahihiya siguro siya na I still find a way to treat him kahit I have to support my family, or maybe tanda pa rin niya na hindi ako mahilig sa kape. Lumabas kami ng KFC at nagsimulang magikot-ikot na lang without coffee in our hands, bawat ilaw at busina ng Cubao tanda ng kung anuman kami noon na tahimik na binabalikan.