Home

Queen Bee 2 4 Chapter Four

Queen Bee 2 - novelonlinefull.com

You’re read light novel Queen Bee 2 4 Chapter Four online at NovelOnlineFull.com. Please use the follow button to get notification about the latest chapter next time when you visit NovelOnlineFull.com. Use F11 button to read novel in full-screen(PC only). Drop by anytime you want to read free – fast – latest novel. It’s great if you could leave a comment, share your opinion about the new chapters, new novel with others on the internet. We’ll do our best to bring you the finest, latest novel everyday. Enjoy

Sinunod nga ni Candy ang payo ni Sophie na magreklamo sa Dean of Student Affairs. Kaya pinatawag si Maggie dahil sa akusang na siya ang naglagay ng gamot ng pampalalaglag sa inumin ni Candy noong Sabadong iyon.

Sa kabilang banda, pinatawag din ang mommy ni Maggie para maliwanagan ang tungkol dito.

Nagulat si Mrs. Chelsea sa binalita ng Dean tungkol sa paratang ni Candy laban sa kanyang anak.

Sabi ni Mrs. Chelsea, "Hindi po magagawa ng anak kong 'yan. You know that my daughter is a good student. Mali po ang paratang ng babaeng yan. Siguro, naiinggit nga ang babaeng yan sa anak ko kaya kung anong kuwento ang iniimbento."

Nagreact naman si Candy sa sinabi ni Mrs. Chelsea, "Mrs. Chelsea, dahan-dahan kayo sa pana.n.a.lita diyan. At saka, hindi po ako naiingit sa anak niyo na wala naman sa kalingkingan ko ang kagandahan. Palibhasa kasi, ang pangit ng anak niyo kaya iniwanan ng boyfriend niya. Nang niligawanan ako ng boyfriend niya, nangagaliiti naman siya sa galit."

Inisnab lang naman siya ni Mrs. Chelsea.

Kaya ang sabi ng Dean, "Mrs. Chelsea, kailangan niyo ipatingin sa psychiatrist ang anak niyo. Malay niyo po, makakatulong po yan sa kanya. Kung nagppsychotherapy po siya, malamang gaganda ang pakikitungo niya sa ibang tao. At hindi mangyayari ang ganito. Hayaan niyo, hindi ko po sususpendehin si Maggie. Basta po, magpapapsychotherapy po siya at ibalita niyo po sa akin ang resulta ng evaluation ng psychotherapist niya."

Nagtaas ng boses si Mrs. Chelsea dahil sa paratang na nababaliw ang kanyang anak, "Mr. Dela Fuerte, pinagkakamalan niyo po bang baliw ang anak ko?"

Sagot naman ng Dean, "No, Mrs. Chelsea. Ang sa akin ay suhestiyon lang. Para sa ganoon, mas maenhance pa ang pakikisama ni Maggie sa iba pa niyang kaklase at hindi mangyayari ulit ang ganitong sitwasyon kagaya nang nangyari kay Ms. Romano."

Sabi naman ni Maggie sa kanyang mama, "Mommy, sundin na lang natin ang sinasabi ng Dean."

At wala ng magawa si Mrs. Chelsea na ipatingin na lang sa psychiatrist ang kanyang anak.

Nilapitan ng Student Council adviser si Maggie yung araw din yon para ipabalita sa kanya na disqualified siya na maging SC president para sa school year na ito dahil nga sa napabalitaan na nangyari kay Candy Romano.

At wala ng magawa si Maggie sa naging desisyon ng Student Council.

Sabi naman ng mommy niya sa kanya, "Hay naku, anak! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa iyo! Hindi ko nga alam kung bakit ka nagkakaganyan! Ayus-ayusin mo nag buhay mo, anak! Dahil ayaw ko k.u.malat pa sa mga amiga ko na nababaliw ka. Baka malugi pa yung negosyo natin."

Sagot naman ni Maggie, "I am sorry, mama. Pati ikaw, nadamay pa sa nangyayari sa akin. Hindi na po mauulit, mama."

Pagkaalis ng kanyang mama patungong opisina, ito naman si Maggie ay dumeretso na lang sa dormitory niya. Para sa kanya, tama na yung nangyari kanina sa Dean's Office at yung sinabi ng SC adviser. Ayaw na niya magdagdagan pa ng bad news.


Nalaman din nina Marvin at Jessie ang nangyari sa kaibigan nilang si Maggie. At hindi sila makakapaniwala na magagawa nga ni Maggie ang binibintang ni Candy.

Sabi naman ni Marvin kay Jessie, "Alam mo, parekoy, malamang hindi si Maggie ang may gawa n'un. Ang sabi pa nga ni Randy, hindi naman niya nakita na may nilagay si Maggie sa inumin ni Candy."

Sagot naman ni Jessie, "Alam mo? Kailangan tayo ng kaibigan natin. At malamang, hindi si Maggie ang baliw. Walang iba kundi si Candy. Nakikita naman natin kung paano nagbago si Maggie, hindi ba? Sa tingin ko ay hindi niya magagawa ang binibintang ni Candy."

At may naisip ng paraan si Marvin, "Puntahan natin ang restaurant na sinasabi nila, tanungin natin kung sino ang nagpakana na naglagay ng gamot sa inumin ni Candy."

At pinuntahan nga nila ang restaurant na yon at kinausap ang manager. At nagtanong na rin ang manager sa mga waiter kung sino sa kanila ang nagbigay ng isang basong tubig kay Maggie.

Sinagot naman ng isang waiter, "Sir, ako nga po ang yung nagbigay sa kanyang ng tubig, pero nakita ko naman yun sa counter table kaya akala ko walang nagmamayari kaya binigay ko na."

At nagaburido ang restaurant manager, "Ano ka ba, Ernie! Hindi ba ang kabilinbilinan ko sa inyo? Magbibigay kayo ng panibagong drinks sa customer at huwag kayong bastbasta magdadampot na lang sa counter table. Baka contaminated na yung tubig. Tingnan mo ano ang nangyari."

Sabi naman ng isa pang waiter, "Sir, noong araw na yon, may lumapit kasi sa counter ng isang babae na maiksi ang buhok na kasamahan din nila. Humingi rin ng isang basong tubig. Sabi, pupunta lang siya sa restroom at iniwan niya po ang inumin sa counter. Baka yun po yung inumin na nakita ni Ernie."

Nagulat naman sina Marvin at Jessie. Iniisip nila na baka si Sophie nga yung tinutukoy nila.

Tanong pa ni Jessie sa waiter, "Brod, may nakita po ba kayo na may inilagay siyang gamot sa inumin na yon?"

Sabi naman ng waiter, "Hindi po, kasi umalis agad ako sa counter nang binigay ko yung inumin niya. Nagserve agad ako kasi may bagong customer na dumating."

Sabi naman ni Marvin kay Jessie, "Jess, kailangan mawarningan natin si Maggie tungkol kay Sophie. Malamang siya nga yung babaeng tinutukoy nila."

Sabi naman ni Jess, "Duda nga ako sa babaeng yon. Parang may tinatagong kulo. Pero, tama ka. Dapat pagsabihan nga natin si Maggie na huwag siya lubos na magt.i.tiwala kay Sophie."

Kaya binisita nga nila si Maggie sa dormitory.

Sabi ni Marvin kay Maggie, "Maggie, magiingat ka kay Sophie. Duda namin siya yung naglagay ng gamot sa inumin ni Candy."

Nagtataka naman itong si Maggie, "Praning ba kayo, guys? Imposibleng si Sophie yon, kasi pumunta siya agad ng CR dahil sumama raw pakiramdam niya."

Sabi naman ni Jessie, "Walang duda nga si Sophie yon. Tiyak kong may hinalo siyang gamot sa inumin na yon. At mali nga na nadampot ng waiter ang inumin niya at naibigay yon kay Maggie."

Sabi naman ni Maggie, "Guys! Huwag kayo agad magbibintang na si Sophie nga ang gumawa n'un. Napakabait ni Sophie."

Sabi naman ni Marvin kay Maggie, "Talaga? Maski malaman mo na si Sophie nga ang nagsulsol kay Candy na isumbong ka sa Dean?"

Nagulat naman si Maggie sa sinabi ni Marvin. Hindi siya makakapaniwala na magagawa nga ni Sophie yon.

Sabi niya, "Kailangan, kausapin ko si Sophie bukas. Hindi ko gusto yung nangyayari."

Dagdag pa ni Marvin, "Dapat nga kausapin mo si Sophie. At bakit niya kailangan sulsulan pa si Candy para maisumbong ka sa Dean sa maling paratang niya."

...

Please click Like and leave more comments to support and keep us alive.

RECENTLY UPDATED MANGA

Naruto System in One Piece

Naruto System in One Piece

Naruto System in One Piece Chapter 524 Author(s) : Summer Night Spring Wind, 夏晚春风 View : 69,158
Stand User in Marvel Universe

Stand User in Marvel Universe

Stand User in Marvel Universe Chapter 829 Author(s) : 无面凄凉, Wu Mian Qi Liang View : 125,832
Overgeared

Overgeared

Overgeared Chapter 2028 Author(s) : Park Saenal View : 12,512,128

Queen Bee 2 4 Chapter Four summary

You're reading Queen Bee 2. This manga has been translated by Updating. Author(s): ukcphl. Already has 1124 views.

It's great if you read and follow any novel on our website. We promise you that we'll bring you the latest, hottest novel everyday and FREE.

NovelOnlineFull.com is a most smartest website for reading manga online, it can automatic resize images to fit your pc screen, even on your mobile. Experience now by using your smartphone and access to NovelOnlineFull.com