Different World - novelonlinefull.com
You’re read light novel Different World 18 Seventeen online at NovelOnlineFull.com. Please use the follow button to get notification about the latest chapter next time when you visit NovelOnlineFull.com. Use F11 button to read novel in full-screen(PC only). Drop by anytime you want to read free – fast – latest novel. It’s great if you could leave a comment, share your opinion about the new chapters, new novel with others on the internet. We’ll do our best to bring you the finest, latest novel everyday. Enjoy
Ilang minuto na siyang ganuon, nagaalala na ako. Tumayo ako at hindi mapakali, anong gagawin ko para magising siya. Mukhang sobrang sama talaga ng kanyang panaginip.
Umupo ako sa kama niya at pinagmasdan siya, nakikita ko na ang sobrsobrang pawis sa kanyang pisngi at katawan.
Please gumising kana.
Ilang sandali ay napupo siya na nanlalaki ang mga mata, mukhang may naalala siya na hindi naman dapat.
Ipinantay niya ang kanyang tuhod sa kanyang katawan at doon humagulhol ng iyak. Hindi siya matigil.
Hindi nagtagal ay pumasok ang kanyang Ina sa kanyang kwarto. Umalis ako sa pagkakaupo at pinagmasdan sila.
"Bakit? Anong nangyare?" nagaalalang bigkas ng kanyang Ina.
Hindi siya pinansin sni Ria, nagpatuloy parin ito sa pagiyak.
"Ria anong nangyare? Masama ba ang naging panaginip mo?"
Hinarap ni Ria ang kanyang Ina, namumugto ang mga mata nito at tumatagaktak ang pawis.
"Ma!" utal-utal na sambit nito habang may luhang patuloy na umaagos sa pisngi nito.
"Y-yung lalaki, yung lalaki namatay ng dahil saakin" doon na halos b.u.muhos ang malgripong luha sa mata niya. Walang ginawa ang kanyang Ina kundi ang yakapin siya habang hinahaplos ang likod niya. Hindi ko kayang tumingin. Maging ako ay naiiyak.
"Yung lalaki namatay ng dahil saakin" kaagad akong napaisip dahil sa sinabi niya.
Hindi kaya ang nangyare ng gabing iyon ang napanaginipan niya? Is it related to me.
Ngunit malinaw na sinabi saakin ng lalaki, nhindi nila ako kailan man makikilala.
Nabalot ang aking isipan ng pagiisip. Napansin ko na lamang na naging kalmado na ulit si Ria at pinatulog na ulit siya ng kanyang Ina. Pinatay narin nito ang ilaw sa loob ng kwarto. Tanging lampshade na lang ang bukas. Nanatili akong nakat.i.tig sakanya.
Ito na ba ang palatandaan na kailangan ko na talagang magmadali? Ngunit papaano?
Kung pipilitin kung maalala niya ang nangyare saakin? Masasaktan siya. Hindi ko iyon kayang gawin sakanya. Hindi. Ayoko na siyang nakikitang nahihirapan.
Pero kailangan niyang malaman ang lahat dahil doon lang mapapanatag ang lahat. She need to know na iyong taong nagsacrifice para sakanya ay ako, the one who choose to go back for her.