Home

Potion Of Love 48 Chapter 47

Potion Of Love - novelonlinefull.com

You’re read light novel Potion Of Love 48 Chapter 47 online at NovelOnlineFull.com. Please use the follow button to get notification about the latest chapter next time when you visit NovelOnlineFull.com. Use F11 button to read novel in full-screen(PC only). Drop by anytime you want to read free – fast – latest novel. It’s great if you could leave a comment, share your opinion about the new chapters, new novel with others on the internet. We’ll do our best to bring you the finest, latest novel everyday. Enjoy

Clarissa's POV

May magagawa ba ko para hindi masaktan ang kaibigan ko? Kung alam ko lang, kung paano, at saan magsisimula. Paano ba ko magiging masigla kung sa oras na ito ang kapakanan ng mga bestfriend ko ang sumasagi sa isipan ko.

"Babe?"

"Ha?" tignan mo. Pati ang magiging asawa ko ay nadadamay sa problema.

"May problema ba? May plano ba tayong hindi pabor sayo? Sabihin mo lang, pwede pa natin ipabago sa organizer." Nag-aalala niyang sabi.

"It's not about that. It's about my two friends. Sorry Blaze, hindi ko magaw.a.n.g mexcite sa kasal natin dahil sa kalagayan nilang dalawa. Magalit kana if you want. Kasalanan ko 'to."

"You do not have a fault with what happens to them. You just made your side to work well. Wag mong sisihin ang sarili mo." he held my hand. "Kung may maitutulong ako,pwede naman eh. Tandaan mo na magiging asawa mo na ko. Problema mo, problema ko na rin. Sasamahan kita kahit saan pa 'yan. Tutulungan kita kahit sobrang bigat."

Palabiro si Blaze,but may side att.i.tude siyang hindi kailanman nakita ng iba.

He is very sweet in everything.

"May maitutulong ba ko?" Nakangiti niyang tanong.

"Sa palagay ko meron," tugon ko.

"Alright, tapusin muna natin itong ginagawa natin and after this, I'm gonna sure you matutulungan kita."

"Thanks, Babe."

Pagkatapos makusap ang organizer ay k.u.main kami sa labas. Saglit lang yun dahil naki-usap ako sa kanya na after nilang magpractise ng kanilang band ay papuntahin si Nixon sa bahay upang makusap ko.

Hindi ako binigo ng boyfriend at bestfriend ko. Kahit gabi at medyo mga nakinom ay nagawa nila akong intindihin sa ibig ko.

"Saan tayo magsisimula?" seryoso tanong ni Blaze.

"Kay Aling Carlota."

"Sa kanya? Bakit?"

"Dahil siya ang mas makakatulong sa atin."

"Ah best. Wag na lang kaya?" Singit ni Best.

"Nixon, desidido na ko sa plano. Ano ka ba naman, ayokong maging masaya sa araw ng kasal ko habang ikaw ay hindi. Basta, itutuloy natin 'to."

"Bilib din ako sa samahan nyo. Sige, ganito. Paano natin makakusap si Aling Carlota?" singit ni Blaze sa'min.

"No effort, nandito na ko." Nagkatinginan kami ni Aling Carlota sabay ngiti sa isa't-isa.

"Done well, Aling Carlota. Let's start?" aya ko sakanila habang papuntang kwarto.

Sa kwarto, nakupo si Aling Carlota sa kama, habang ang dalawa ay nakatayo malapit sa table ko, at ako, heto nakaharap sa Salamin.

"Ganoon ba ang plano? What if hindi umubra?" nag-aalangan na sabi ni Nixon.

"Think that Best, malaki tiwala kong maayos natin ito para sa lahat, para kay Klea. Iisa lang ang gusto natin mangyari. Ang mawalan ng bisa ang gayumang ginamit niya sa kaibigan natin. Who knows, maging successful. Kaya ikaw Nixon, wag kana mag-alala. Planado ko na ito. Magdamag akong gising para isipin at gagawin sa plano natin."


"Sa akin ay okay lang. May maitutulong ako sainyo." saad ni Aling Carlota.

"Me too, kung ano lang ang nais nyo susunod ako basta kaya ng powers." saad din ni Blaze. Si Nixon na lang ang hindi sumasang-ayon.

"Nixon, isipin mo na lang na para rin saiyo ito. Kung sisisihin mo man ang sarili mo ay atleast may ginawa ka."

Nag-nod, "Sige, payag na ko. Saan tayo mag-uumpisa?"

Lahat sila ay sa'kin ang tapon ng tingin.

"Magsimula tayo sa Bridal Shower...."  Huli kong bulaslas.

After one week, na ayos ko ang plano sa Bridal Shower.

"Thank you Clarissa," sabi niya sa'kin habang papasok kami sa Elevator.

"Wala akong magagawa kung hadlangan ko ang pag-iibigan nyong dalawa ni Amir." Pero itaga mo sa bata Klea, never ko ng magugustuhan si Amir for you.

"Kinausap mo na ba si Nixon?"

"Oo. Out of town ngayon yun," dahilan ko.

"Akala ko ba sinisimulan na niya ang project ng kanyang Daddy?" Naku, paano niya nalaman yun?

"Ah...kasi...ano, kasama niya sa out of town yung mga co-workers niya. Ganoon na nga,tama." taas kilay niya kong tinignan.

"Sure ka sa sagot mo na yan ha?"

"Oo-- mukha ba kong nanghuhula lang?"

"Hindi naman," pinagmasdan niya suot ko.

"Ang ganda ng dress mo best." Pinasadahan ko ng tingin ang suot ko.

"Oo, regalo sa'kin ni Nixon."

"Ang sweet ni Nixon noh?" nakangiti niyang wika.

"Sweet nga pero sawi naman," bulong ko.

"May sinasabi ka?"

"Ah, wala. Tara na sa Hotel. Nandoon na mga ibang kasama natin para sa bridal shower."

"Di ba kapag bridal shower, may ano yun? May sumasayaw habang nasa loob na malaking regalo?"

"Yup!"

"Ay, ayoko na. Pwede ba, ikaw na lang mag-bridal na yan. Baka hindi alam ni Amir ito lagot ako 'ron."

"Tsk, ang korni mo Best. Minsan lang sa buhay natin ang maranasan ito. At kapag kasal kana sa kanya matagal-tagal tayo magkakasama na tayo lang. Syempre, buong araw at oras nasa kanya na atensyon mo."

"Hindi magiging pabor sa kanya kung ganito ang set-up. Pwede kahit  inuman with friends pero yung may lalake? Huwag na Best."

"Hay naku! Hindi niya malalaman 'to. Ano ka ba? Isipin mo na lang last bonding natin ito. Alam mo na malalagay na tayo sa tahimik na buhay."

"Kung maktahimik ka naman. Sige,pero kapag nalaman ni Amir na may lalake rito,ikaw na ang bahala magpaliwanag. Alam mo naman na kapag nagagalit yun nawawala sa katinuan."

"Kaya nga ilalayo kita sa kanya," bulong ko.

"Ha? Ano kamo?"

"Haaa? Ah--wala. Wala akong sinasabi rito ha."

"Talaga? Narinig kita,"

"Hmmm, anong sabi ko?" hamon ko rito.

"BASTA MAY SINABI KA."

"EWAN KO SAYO. TARA NA, NASA LOOB NA NANG UNIT ANG IBANG GIRLS. WAG MO MUNA ISIPIN ANG AMIR MO."

"Okay,"

Tahimik kami papunta sa unit. Pagkaraan ay sigawan ang lahat ng makita kaming dalawa na papasok sa loob.

"Congratulations ,both of you. Hindi kayo naghihiwalay kahit sa kasal."

"Oo nga, itong si Clarissa, inaasahan kong may mahahanap kaagad na forever pero si Klea, grabe, ginulat mo ko na si Amir din pala ang makakatuluyan mo."

"Correct. Ang akala ko si Baby Nixon ang mababalitaan namin na magiging husband mo."

"Ganoon talaga girls. Minsan mapapisip na lang tayo dahil hanggang ngayon wala pa tayo mga Jowa."  Tawanan ang lahat.

"Malay nyo na traffic lang ang mga destiny nyo. Antay-antay lang." sabi ko.

"Pero kapag ikakasal na isa sainyo wag nyo kami kakalimutan ha. Hindi pwede na walang ganitong bridal shower." Litanya ni Klea.

"Pero bago yun," inakbayan kami ng isa. "Kayo muna ang dapat mag-enjoy." Sabay kindat sa mga kasama namin.

Sabay tugtog ng paklakas-lakas.

Yieeeeeh! Party! Party!

Dumaan ang isang oras na balitaktakan. Sumenyas ang isa sa kasama namin na nasa labas ang mga kahon.

"Mga kahon talaga?" Usisa ni Klea.

"Oo naman! Dalawa kayong soon to be bride noh kaya dalawa." Satsat ng isa.

Magsasalita pa si Klea ng mawalan ng liwanag sa loob, tanging disco lights lang ang nagsisilbing tanglaw sa madilim na parte ng unit.

b.u.mukas ang pintuan. May tig-dalaw.a.n.g naghahatak sa mga box.

"OMG, ayan na Best, excited na kooo." kunwaring sabi ko.

Napapalunok ang isang 'to. Kunwari pa na ayaw pero gusto rin makakakita ng abs.

Dahan-dahan at sabay sa tiyempo ng tugtog ang paglabas ng mga lalake. Napapakapit ako sa tuwa dahil inaasahan kong isa si Blaze ang nakboxer doon without shirt. Maraming beses ko na nakitang naka hubad si Blaze, pero ewan ko ba. Sobrang ganda lang talaga ng katawan niya kaya hindi ako nagsasawa.

Nagsisigawan kaming lahat habang slowmo sumasayaw ang dalawa. Napasulyap ako sa isang kasama ni Blaze. Napapiling ako dahil kung gaano kaganda ng katawan ng magiging asawa ko ay doble ron sa kasama niya. Bigla tuloy ako napakamot sa ulo. Hindi ko inaasahan na sa ganitong set-up ko makikita nakhubad ang bestfriend ko.

Oh my Nixon ka talaga!

Napatingin ako kay Klea at napbulong sa isipan na.....

Ang swerte mo Klea kung sa kanya ka mapupunta. Complete packages na.

"Sa akin yun!" na gulat ako dahil itinuro ni Klea ang pwesto ni Blaze. Tinapik ko ang kamay.

"Bastos kang bata ka. Akin 'yan eh! Yung isa na lang sayo!" Saway ko.

"Ehhh..." tumingin kay Nixon. "Pwede na rin. Mas hunk ang katawan niya kaysa 'ron sa isa pa." hindi ko napigilan na hindi matawa sa sinabi niya.

Mabuti na lang at nakzoro mask ang dalawa. Kundi, mabubuwilyaso ang plano.

Lumapit sa akin si Blaze.

"Nakahanda na ang lahat. Alam mo na kung paano natin uumpisahan ang plano." Bulong sa akin ni Blaze habang slowmo sumasayaw.

"Okay," bulong ko rin.

"Omg best! Look, ang hot niya," malanding sabi ko habang hinahawakan ang tiyan ni Blaze.

"Clarissa, ano ba? Mahiya ka nga?" Tanging tawa lang ang sagot ko.

"Itigil na natin ito. Malalagot ako kay Amir nito eh!" Pagmamaktol niya.

"Shut up Klea, ang kill joy mo!"

Napansin kong lumalapit na si Nixon sa kanya. Todo iwas si Klea, pero itong kaibigan namin desperado sa binabalak.

"Lumayo ka nga," mataray na sabi niya.

Nakita kong ngumisi si Nixon sabay sayaw ng slowmo sa harap ni Klea. Narinig ko pangb.u.mungisngis si Blaze bago ako yakapin at halikan sa labi. Mabuti na lang medyo madilim sa pwesto namin kundi lagot ako nito.

"Ngayon na." Bulong ko. Binulong naman niya kay Nixon ang sinabi ko.

Sumenyas ako sa kaibigan namin babae malapit sa pintuan. Hudyat na kailangan mamatay ang tugtog at mawala ang liwanag sa loob ng unit.

Nangyari na.

Halos wala ng boses ng tao. Ang plano kasi namin ay kapag pinatay ang ilaw at tugtog ay magtatago silang lahat sa kwarto. Pagkatapos ay hahayaan nila na gawin namin ang plano. Niyakap ako ni Blaze habang si Klea ay tawag ng tawag sa pangalan ko.

"Clarissa, bakit nawalan ng ilaw? Tsaka ng tugtog? Nawalan ba ng kuryente?" tila kinakawag-kawag niya ang kamay para mahanap niya ko.

Ang sirulong Blaze bigla akong hinalikan.

"Ah gulo mo." Medyo napalakas ang salita ko kaya naramdaman kong lalapit sa'min siya. Hinila ako palayo ni Blaze.

"Clarissa, ano ba? Ano bang nangyari? May kasama pa ba ako rito?" natatakot niyang tanong sa kawalan.

"Sorry, Klea pero kailangan namin gawin ito."  k.u.matok si Blaze sa pinaka pader hudyat na dapat gawin na ni Nixon ang plano.

Mayamaya ay nagsalita si Nixon.

"Blaze, Clarissa." Hinanap ko kaagad ang switch. Wala ng malay tao si Klea sa bisig ni Nixon.

"Gawin na natin. Babe, tulungan mo si Nixon lumabas." utos ko. Agad k.u.milos ang dalawa. Buhat ni Nixon si Klea habang si Blaze ay lingon ng lingon sa paligid.

Nakalabas na sila. Doon palabas na rin sa kwarto ang mga kaibigan namin babae na kasama sa plano.

"Sigurado ba kayo sa plano nyong 'yan?" Someone commented.

"Oo, sana walang makakaalam nito sa nangyari." paki-usap ko.

"Paano kung hanapin siya ni Amir sa'min?" sabi ng isa pa.

"Sabihin nyong wala kayong alam. Basta, isang buwan lang naman ang hinihiling ko sa pagtikom ng mga bibig nyo. Bago ang kasal nila, I'm gonna sure na walang kasal na magaganap sa kanilang dalawa."

"Bakit hindi nyo na lang hayaan na magsama ang dalawa?"

"Dahil hindi totoo ang pagmamahal ni Amir sa kaibigan natin." tugon ko.

"Kung sa bagay, nagagawa niyang saktan si Klea kahit kaharap ang maraming tao. Ang pagmamahal niya idinadaan nito sa physical abuse."

"Kaya nga itikim nyo muna ang bibig ha? Maraming salamat sa tulong nyo. Paano, mauuna ko. Gagawin pa namin ang susunod na plano. Kayo nang bahala magtuloy sa party."

"Good luck sa plans nyo. Umaasa akong isa si Nixon ang makakatuluyan ni Klea."

Tumango ako at tuluyan lumabas ng unit. Sinundan ko sina Blaze sa bas.e.m.e.nt. Nandoon pa rin sila dahil hinihintay ang senyas ko.

Nakformal shirt na ang dalawa. Habang si Klea ay nasa backseat na tutulog.

"Nandito ang complete address ng probinsiya ni Aling Carlota. May mga gamit nyo na 'ron tapos konting ayos lang, ikaw na bahala. Balitaan mo ko kapag nagawa mo na ang huling plano." inabot ko ang Blue Liquid Crystal.

"Salamat, Blaze, Clarissa."

"Wala yun. Gusto ko sumaya ka. Sana alagaan mo ng sobra si Klea kapag na painom mo na 'yan at sana gumana."

Tumango ito. Nagpaalam na siyang tuluyan lulan ng kanyang kotse patungong Probinsiya nila Aling Carlota. May konting pag- aalinlangan man ang puso ko na baka hindi gumana ang gayuma ngunit pilit kong sinasabi sa isipin na magtatagumpay ang katotohanan.

-------------  NIXON'S POV ---------------

Dalaw.a.n.g oras ang byahe namin patungong daungan ng barko. Isinakay ang sinasakyan namin na kotse rito at umabot iyon ng apat na oras. May oras na nagigising si Klea pero itinutuloy lang niya ang tulog. Marahil may hilo pa siyang nararamdaman. Hindi ko man gusto pero ito ang magandang paraan.

Itong huling alas namin upang mawala ang bisa ng gayuma ay dapat kong mapainom bago sila ikasal. Ilang linggo ang bibilangin bago sila ikasal. Masama na kung masama pero dapat yung mas masama ang dapat pigilan.

Lumipas ang apat na oras. Patungo na kami sa barangay na nakasulat sa papel. May pailan-ilan pinagtanungan ko at sa huli ay nadatnan ko ang isang  bahay na hindi kalakihan pero halatang hindi na  ginagamit dahil sa luma at kalat ng labas.

Napansin kong may tatlong bahay pa na nakatirik sa lugar na ito.

Binuksan ko ang pintuan gamit ang susi na binigay sa'kin ni Blaze nung tinatakas namin si Klea. May lumapit sa'kin na matandang  lalake.

"Ikaw ba ang pinapunta ni Carlota rito?"

"O-opo. Ah, kapit-bahay nyo po ba siya?"

"Kamag-anak niya ko. Ako ang tatay niya." pinagmasdan ko ang katawan nito. Hindi siya halatang sobrang tanda.

"Ganoon po ba? Ahm, tutuloy na po kami rito."

"Nasaan ang kasama mo?" tumingin kami sa kotse.

"Natutulog pa po kaya ako na bahala magbuhat sa kanya sa loob." Sabi ko pa.

"Sige, ano nga ulit ang pangalan mo?"

"Nixon po."

"Ah sige Nixon. Inayos ko na rin yan at nilinis ang loob. Akala ko kasi umaga pa kayo makakarating. Hindi ko pa nalilinis itong labas. Masama kasi magwalis ng gabi."

"Okay lang po. Ako na lang gagawa bukas ng umaga." Nagtanguan kami sa isa't-isa bago siya pumasok sa kanyang bahay.

Hinatid ko si Klea sa kwarto. Iisa lang ito,kung sa Sala ako matutulog ay hindi magiging kampante. Isang lames at dalaw.a.n.g upuan lang ang meron doon and so on, wala na iba pa.

Hindi ako nakatulog ng maayos. Panay ang text ni Clarissa kung gising na ba si Klea pero simula pa nung nasa kotse kami ay hindi pa ito gumigising.

Lumipas pa ang ilang oras. Lumiwanag na ang ilang parte ng kabahayan. Napakgandang pagmasdan ang sinag ng araw na ang tagal ko na napagmamasdan.

Noong bata pa kasi ako ay ganitong-ganito ang  bungad sa akin ng umaga. Walang makakapal na usok kahit madaling araw pa lang. Walang ingay sa kalsada rito dahil alam 'nong liblib.

"N-nixon?" tawag mula sa likuran ko. "Nasaan tayo? Saan lugar 'to?" sunod-sunod niyang tanong.

Tumayo ako at inabot ang kapeng kat.i.timpla lang.

"Nasa bakasyon tayo," kalmado kong tugon. Inaabot ko ang kape pero hindi niya kinuha.

"Bakasyon? Saan? Kailan pa tayo rito? Sino kasama natin? Sina Clarissa at Blaze ba?"

"Nasa bakasyon tayo pero wala rito sina Blaze at Clarissa."

"Ano? Naguguluhan ako."

Binaba ko ang kape pagkatapos ay humarap sa bintana upang buksan ang isa pa. Dumungaw sa loob ang liwanag dahilan para lumapit sa bintana si Klea at suminghot ng matagal.

"Napaka ganda naman dito. Nasaan ba tayo Best? Tsaka, bakit tayo nagbakasyon dito?"

"Papunta na rito sina Blaze at Clarissa. Siguro mga hapon nandito na yun. Nagbakasyon tayo dahil para mrefresh ang utak mo. 'Di ba malapit kana ikasal?"

"Si Amir? Alam ba ni Amir 'tong bakasyon na ito? Sina Mama at Nanay? May alam sila? Pupunta rin?"

"Hindi, ibig kong sabihin tayong apat lang."

"Hindi kasama si Amir pero bakit?"

"Ayaw niyang sumama."

"Ganoon? Imposible naman yun. Tatawagan ko siya. Tsaka, kagabi lang nasa Bridal Shower kami baka nagagalit na yun sa'kin." Patungo siya ng kwarto pero pinigilan ko.

"Huwag ka ng mag-alala. Pumayag si Amir, bago kako kayo ikasal kahit mga ilang linggo lang makasama kita." at magawa ko ang plano.

"Talaga?" Hinawakan niya ang tiyan dahil na rinig namin ang pagkalam ng kanyang sikmura.

"Gutom kana? Tara, nagluto ako ng almusal." Hinatak ko siya sa lamesa. Pinaupo ko ito at nilayan ng sinangag ang kanyang Plato. Pagkatapos, nilagyan ko ng itlog at hotdog.

"Ang dami naman,"

"Magdamag ka walang kain." Paalala ko.

"Kaya siguro grabe magreklamo ng tiyan ko."

Sabay kami tumawa ng may k.u.matok sa pintuan. Binuksan ko ito at b.u.mungad sa'kin ang matandang lalake na may kasamang babae. Tingin ko kage lang namin siya.

"Magandang umaga. Nag-aalmusal na ba kayo?" Tanong ng tatay ni Aling Carlota. Nakatingin sya kay Klea.

"Siya ba ang Misis mo?" patuloy niyang tanong.

"H-ho? Ah... Tay, hindi po. Kaibigan ko po si Klea." pagtatama ko.

"Ah ganoon ba? Heto pala, may dala kaming gatas ng baka. Mainit-init pa 'yan at ang apo ko ang k.u.muha niyan." sabay tingin sa babaeng kasama. Ngiting-ngiti ito sa'min.

"Magandang umaga. Pinaalala sa'kin ni t.i.ta Carlota na dalhan ko kayo ng gatas. Sa Manila raw kasi bihira lang mayroon nito." sabay abot sa'kin.

"Salamat," nahawakan ko kamay niya dahilan para hawakan ang pisngi nito.

"Ah excuse me," humarang sa'min si Klea.

"Salamat, ako nga pala si Klea, Bestfriend ni Nixon. Kayo po? Narinig kong t.i.ta mo si Aling Carlota?"

"Oo, sa kanya itong bahay." Sagot ng babae na tumabi na sa kanyang  Lolo.

"Si Aling Carlota talaga, ang dami na iisip na gimik. Bakit po dito pa kami pinagbakasyon?" natatawa niyang tanong sa dalawa.

Nagkatinginan kaming tatlo.

"Ah, hindi ko alam Ija. Siguro tanungin mo na lang ang kaibigan mo si Nixon. Paano, mauuna na kami. May trabaho kami ng apo ko sa bukirin at gulayan." Paalam ng Tatay ni Aling Carlota.

Nang makaalis ay nakatingin sa'kin si Klea.

"Bakit?"

"Bakit nandito tayo sa probinsiya ni Aling Carlota?"

"Dito raw maganda magbakasyon eh,"

"Kung ganoon, pupunta rin si Aling Carlota rito?"

"O-oo. Baka kasabay nila Clarissa."

"Sige k.u.main na tayo." alok nito na nagmamadali umupo para simulan ang pagkain.

"Dahan-dahan naman sa pag-nguya Klea." Pansin ko sa kanya.

"Kagabi pa ko hindi k.u.makain." sabay dighay.

"Ay, sorry. Ang sarap ng luto mo sa sinangag. Alam mo pwede kana mag-asawa."

"Talaga? Pwede na tayo ikasal?" nakangiti kong sabi.

"Ito talaga. Sa'kin talaga?"

"Oo, alam mo naman na matagal na kitang gusto at minamahal."

"Ikakasal na ko Nixon. Hanggang ngayon ba naman hindi kapa rin sumusuko?"

"Hindi. Kahit na kailan hindi ako susuko."

"Kahit kasal na ko sa mga susunod na linggo?" seryoso niyang tanong.

"Kahit kasal kana sa mga susunod na linggo, buwan at taon. Ikaw lang,"

"Wag ka nga. Wag ka gagawa ng masama. Alam mo naman na ang mag-asawa ay hindi dapat paghiwalayin ng tao. Ang kamatayan lang ang pwede makapag-pahiwalay sa kanila."

"Alam ko. Pero, tingin ko wala na akong magagawa kung sa kanya ka pakakasal. Tutal, nandito tayo sa bakasyon, susulutin ko nang kasama ka kahit sa mga huling araw na pagiging dalaga mo."

Tumawa ng malakas. "Sira ka talaga! Tapusin mo na 'yang kinakain mo."

Nagkakatawan kami habang tinatapos ang pagkain. Sya na raw ang maghuhugas ng plato at magwawalis sa labas ng bahay. Tinulungan ko na siya dahil medyo malawak ang bakuran nito k.u.mpara sa lawak ng loob sa bahay.

Inabot kami ng magtatanghalian. Naalala kong magluluto pa pala ako ng kakainin namin.

"Diyan ka na lang muna. Magluluto pa ko ng tanghalian natin." Paalam ko.

Sinimulan ko mag-ayos ng mga sangkap na lulutuin. Nag-saing muna ako, pagkatapos ay nagluto  ng gulay-gulay mula sa bakuran. May nakuha akong okra, talong, at mga talbos ng kamote. Habang nagluluto, naririnig kong nagsasalita si Klea. Lumabas ako at pareho sila huminto ng makita ako.

"Nixon, may dala akong tinolang manok. Niluto ko ito, kainin nyo ng kaibigan mo." yung babae kanina na pamangkin ni Aling Carlota.

"S-salamat." Kinuha ko ang mangkok na hawak niya.

Ipinasok ko sa loob ang ulam. Pinatay ko na ang niluluto ko. Paglabas nakita ko ang babae na papalabas sa bakuran habang si Klea ay masama ang tingin dito.

"k.u.main na tayo Klea." Tawag ko. Sabay kami pumasok at sabay k.u.makain.

"Bakit hindi mo tikman ang luto ni....sino nga ba yun?" Tanong ko sa sarili.

"Tricia." sagot niya kahit hindi ko tinatanong.

"Halata naman na para sayo lang 'yang tinola niya." taas ang kilay niyang sambit.

"Sinabi niya para raw sa ating dalawa."

"Of course, sasabihin niyang sa'tin dalawa. Halata naman na gusto ka niya."

Tumawa ako dahil sa itsura niyang na iinis.

"Talaga? Hindi ko halata."

"Manhid ka kasi,"

"No, I'm not."

"Talaga naman. Hindi mo ba halata na panay ang pcute sayo?"

"Hindi, kasi ang kagandahan mo lang naman ang papansin ko." booom!

"Ewan ko sayo."

"Galit ka?" usisa ko.

"Hindi." Inirapan ako. "Sigurado ba hapon darating ang dalawa. Ang tagal naman."

"Hapon pa. Samahan mo ko sa Bayan,"

"Bakit?"

"Mamimili ako ng mga ibang gamit."

"Bakit pa? Sandali lang tayo rito 'di ba?"

"Wala tayong bentilador dito tapos kulang ng bombilya. Bibili na rin ako ng banig para may matulugan ako sa sahig. k.u.mot na rin para hindi ka lamigin sa gabi."

"Sige,"

Hapon nang ayain kami ng Tatay ni Aling Carlota sa Bayan. Pinasakay kami sa kalabaw dahil wala naman sasakyan dito sa ganitong kaliblib na lugar.

Pagkadating sa Bayan ay napansin kong marami rin ang tao. Ang pagkakaiba lang ay malinis at hindi mabaho  palengke rito hindi katulad sa manila.

"Nakakatuwa ang Bayan nila. Kahit maraming tao,hindi kapa rin mahihirapan mamili dahil maayos silang naglalakad at walang mga sasakyan nakhambalang sa gitna." bulong

sa'kin ni Klea.

"Tama ka. Ate magkano po sa k.u.mot nyo?" tanong ko sa babae.

"Singkwenta dalawa na."

"Ang mura." Masayang sabi ng kasama ko.

"Bili na kayo Misis. Asawa nyo po ba si Kuya?" ay etchusera ni Ateng tindera.

"Opo, asawa ko po siya." Sabay bayad niya sa tindera at hinatak ako palayo.

"Grabe si Ate makat.i.tig sayo," sabi niya ng pumipili kami ng banig.

"Saan?" Hanap ko naman. Hinatak niya baba ko para sa kanya tumingin.

"Umayos ka nga Nixon. Marami ang nagkakagusto sayo mga tindera at mamimili rito."

"Oh tapos?"

"Tapos para kang sira na kunwari hindi mo alam. Hoy, nasa probinsiya tayo, natural maninibago sila sa nakikita nilang lalake na gwapo."

"Ikaw din naman ah? Tignan mo mga nagt.i.tinda ng mga baboy. Kung makatingin sayo parang  gusto kang katayin."

"Ihhhh... Ano ba," natatakot niyang sabi habang nakayakap.

Sarap na sarap ako sa ginagawa niyang pagyakap.

"Nixon,Klea ,dito ang bilihan ng bentilador." tawag ng Tatay ni Aling Carlota.

Pumasok kami sa pinaka malaking bodega. Nandito lahat ang gamit sa bahay. Nat.i.tiyak kong nag-iisa lang ito sa Bayan.

Pumipili ng bentilador si Klea. Habang kami ni Manong ay tumitingin ng mga alak malapit sa counter.

"Ang sabi sa'kin ni Tricia ay gusto niya ang isang tulad mo." Bulaslas sakin.

"Po?" tama nga si Klea.

"Kaya nga gusto ko malaman kung hindi mo nga ba asawa si Klea."

"Naku, hindi po, pero may na gugustuhan na kong iba." pagtutuwid ko.

"Ganoon ba? Sayang, bagay pa naman kayo ng apo ko. Alam mo ba na masipag siya? Marunong din yan sa gawaing bahay."

"Nakikita ko po."

"Kaya bagay kayo."

"Pasensiya na po." sabi ko na lang.

"Kilalanin mo ang apo ko bago ka humingi ng paumanhi sa'kin. Hihintayin ko na lang kayo sa pinagtalian ko ng kalabaw." Tumango na lang ako bago umalis ito.

"Nixon pwede na 'to. k.u.muha na rin ako ng isang unan at kulambo." Pinakita sa'kin ang mga dalang bombilya, bentilador, unan at kulambo.

"Babayaran ko na." Kinuha ko at inilagay sa counter.

"Nasaan si Manong?" Tanong niya.

"Hintayin na lang daw niya tayo sa pinagtalian ng kalabaw."

"Ah,"

"Ate,ano pinaka best seller nyo dyan?" tanong ko sa cashier lady.

"Lambanog po."

"Sige bigyan mo ko ng isa." Siniko ako ni Klea."Bakit?"

"Hindi ka sanay uminom nyan," paalam niya.

"Try lang. Aayain ko si Manong uminom. Tingin ko malakas sa lambanog yun."

"Grabe ka ang tandtanda na niyon."

"Ang alam ko mas lumalakas ang matatanda rito kapag umiinom ng lambanog."

"Ganoon? Oh sige bayaran mo na 'yan." tumawa na lang ako hanggang sa paglabas namin.

"Kanina kapa tawa ng tawa diyan," Bulaslas sa'kin.

"Hindi ko lang kasi lubos maisip na makakapunta ako sa lugar na ganito. Tingin ko mapapamahal sa'kin ang probinsiya ni Aling Carlota." Masaya kong tugon.

"Tama ka. Teka, akala ko ba may project ang Dad mo? Bakit, nakuha mo pa magbakasyon?"

"Don't worry,kahit wala ako napapakilos ko ng maayos ang gawain ko." Kinindatan ko.

"Ah ganoon? Saya mo ah?"

Natanaw namin si Manong habang himas ang kalaban na sinakyan namin kanina. Nandoon ang apo niyang si Tricia. Lumapit kami.

"Mabuti nakabalik na kayo. Binalita sa radio kanina na may paparating na bagyo. May dala isang kalabaw si Tricia. Klea, sa kanya kana sumakay para mapabilis tayo." sabi niya.

Tumango na lang kami. Sakay kami ni manong sa isang lalabaw. Nauuna lamang sila sa paglalakbay.

Panay ang lingon ni Klea sa'min pwesto. Tingin ko hindi siya kampante sa kasama niya. Naki-usap ako kay Manong kung pwede ay ako na ang sasama kay Klea dahil madali lang ang pag sakay at gabay sa kalabaw. Pumayag ito at ngayon ay si Klea na nasa likuran ko.

"Bakit nakipag-palit ka kay Tricia?"

"Hindi ka kampante."

"Buti alam mo," mariin niyang sabi kasabay sa pag kurot nito sa aking tagiliran.

"Aray," reklamo ko.

"Umayos ka Nixon!"

"Bakit ba?"

"Ang arte mo. Ang landi mo. Nagpapcute kapa sa kanya porke alam mong gusto ka niya."

"Sino ba?"

"Si Tricia!"

"Sssh, was ka maingay."

"Kainis ka. Akala ko ba ako lang ang gusto mo?" Halos matawa ako sa tanong niya.

"Oo nga, pero hindi ibig sabihin nun ay hindi na ko lalandi at aarte sa ibang babae gaya ng sinasabi mo."

"Ganoon? Bakit? Dahil iba gusto ko ginagawa mo yan!"

"Of course not! Tsk, wala na ba ko karapatan lumigaya? Gusto mo ba umasa na lang ako forever sayo?"

Niyakap niya ko. Medyo madilim na at tanging gasera ang liwanag namin.

"...pero sa akin ka lang naman liligaya." malakas na kalabog sa dibdib ang namayani sa aking kaloob-looban.Parang may ibang meaning yung sinabi niyang sa kanya lang ako liligaya ,Gayong totoo naman.

Kahit may nagbabadyang baygo, may naksilip na liwanag ng buwan sa aming dalawa. Walang silbi ang liwanag ng gasera kung ako man ang tatanungin.

Please click Like and leave more comments to support and keep us alive.

RECENTLY UPDATED MANGA

I'll Be the Male Leads Sister-in-Law

I'll Be the Male Leads Sister-in-Law

I'll Be the Male Leads Sister-in-Law Chapter 548 Author(s) : September Flowing Fire, 九月流火 View : 165,145
Star Odyssey

Star Odyssey

Star Odyssey Chapter 3272: Attempt Author(s) : Along With The Wind, 随散飘风 View : 2,234,243
Demon Sword Maiden

Demon Sword Maiden

Demon Sword Maiden Volume 12 - Yomi-no-kuni: Chapter 97 – Sword Heavenly Path Author(s) : Luo Jiang Shen, 罗将神, 罗酱, Carrot Sauce View : 419,782

Potion Of Love 48 Chapter 47 summary

You're reading Potion Of Love. This manga has been translated by Updating. Author(s): Ayieshien1991. Already has 1779 views.

It's great if you read and follow any novel on our website. We promise you that we'll bring you the latest, hottest novel everyday and FREE.

NovelOnlineFull.com is a most smartest website for reading manga online, it can automatic resize images to fit your pc screen, even on your mobile. Experience now by using your smartphone and access to NovelOnlineFull.com