Home

Potion Of Love 38 Chapter 37

Potion Of Love - novelonlinefull.com

You’re read light novel Potion Of Love 38 Chapter 37 online at NovelOnlineFull.com. Please use the follow button to get notification about the latest chapter next time when you visit NovelOnlineFull.com. Use F11 button to read novel in full-screen(PC only). Drop by anytime you want to read free – fast – latest novel. It’s great if you could leave a comment, share your opinion about the new chapters, new novel with others on the internet. We’ll do our best to bring you the finest, latest novel everyday. Enjoy

KLEA'S POV

Maraming research ang gagawin namin buong linggo. Ayaw pumayag ni Teacher sa google kami maghanap dahil para sa kanya, sa libro mas kompleto. Tatlong oras na kong nagte-take note rito habang hinihintay na rin si Amir. Obviously, tatlong oras din akong naghihintay.

"Babe!" hindi ako natingin sa kanya kundi sa Librarian Teacher. Bakit kailangan pa sumigaw? Lalapitan din naman ako.

"Sorry, late ako."

"Okay lang," mahina kong sabi bago ako b.u.malik sa sinusulat.

"Tinapos pa kasi namin ang huling project. Kapag hindi pa naman naipasa hindi pipirmahan ang clearance namin."

"Okay," na hanap ko kaagad ang isang sagot sa libro.

"Pasensiya na, babawi ako. Saan mo ba gusto k.u.main? May alam akong pwede natin puntahan mamaya. Gusto mo ba?"

"Okay lang," mapait kong tugon.

"Klea," tawag nito. Para hindi ako masabihan na bastos ay tinignan ko siya.

"Galit ka ba? Sorry na. Pareho lang tayong abala sa mga projects and clearance. Huwag sasama ang loob mo."

"Wala naman akong choice." iniiwasan ko ang paninitig niya.

"May problema ba tayo?" bahagya niyang nilakasan ang boses.

"Keep quiet." bulong ko.

"Sabihin mo kung ano ang nararamdaman mo. Hindi ako manghuhula para malaman yang dinadala mong problema."

"Wala tayong problema. Ako lang, ako ang may problema rito."

"Tell me, ano ba yun?"

"Sa akin na lang yun."

"Boyfriend mo ko. Karapatan kong malaman kung ano---"

"Hindi lahat dapat mong malaman." mariin kong sabi. Nanlaki ang mata nito ngunit b.u.malik din sa tamang ayos.

"May problema nga tayo. Siguro may sangkot dito na ibang tao."

"Wala." depensa ko.

"Pero bakit ganyan ka?!" nagagalit itong tumayo. Lumingon ang mga estudyante sa paligid namin.

"Pwede ba hinaan mo yang boses mo?" nagsimula na kong mainis.

"Wala akong pakialam kung marinig man nila ang pag-iingay ko rito! Gusto ko malaman kung bakit ganyan kalamig ang pakikitungo mo sa'kin. Klea, may nagawa ba kong mali? Hindi na ba mawala sa isip mo ang mga tampuhan natin kaya ka nagkakaganyan?" nagsimula nang tumulo ang luha ko. Hindi ko yata kayang makipag-usap sa kanya.

"Sumagot ka! Nanlalamig kana sa akin. Hindi mo na ba ko mahal? May ibang lalake na ba napapainit sa damdamin mo? Just tell me! para naman maibalik ko ang dating pagmamahalan mo sa akin."

"W-wala, wala akong iba. Mali yang iniisip mo.Mag-usap na lang tayo kapag mahinahon kana." niligpit ko lahat ng gamit bago ko tumayo.

"Babalik tayo." natigilan ako. "Babalik tayo sa dati. Iyong mahal mo ko ,iyong kilig na madalas kong makita sayo. Iyong saya kapag kasama mo ko. Lahat nang iyon ay ibabalik ko. Hindi ako makakapayag na mapunta ka sa ibang lalake." Buntong-hininga akong umalis na may panginginig sa buong katawan. Nakakakilabot ang mga sinabi niya. Parang may pangbabanta na hindi ko maintindihan.


***

"Magandang gabi po Ma'am Klea," bungad sa akin ng kasambahay nila Clarissa.

"Magandang gabi rin. Si Clarissa po?"

"Ah, wala pa po,pero binilinan niya kong papasukin kana para umakyat sa rooftop."

"Ganon po ba? Sige po, aakyat na ko." binuksan niya ng mas malaking aw.a.n.g ang pinto. Habang binabaybay ko ang daan paakyat sa rooftop hindi ko na pansing kasunod ko pa pala si Ate.

"Kamusta yung ginayuma mo?" napahawak ako sa dibdib ng magsalita siya.

"Sorry,nagulat ka ba?"

"May kailangan po ba kayong gawin sa itaas?" usisa ko.

"Meron, nililigpitin ko lang mga kalat ni Ma'am Clarissa bago kayo tumambay sa taas. Kung gusto nyo dito muna kayo sa baba."

"Sa taas na lang po ako," Tumango na lang siya bago kami tahimik na umakyat sa rooftop. Naupo ako sa pinaka dulo ng isang yantok na higaan sa gitna ng rooftop. Tumingala ako dahil nakita ko ang daming bituin sa langit. Mga k.u.mikinang at parang payapa itong naglalayag sa kalangitan.

"Balita ko yung ginayuma mo ay boyfriend mo na?" Bulaslas sa'kin ni Ate.

"O-opo,"

"Balita ko rin na hindi raw tumalab ang gayumang ginamit mo dahil matagal kana pala gusto ng boyfriend mo?"

"Tama po kayo," malungkot kong pagsang-ayon.

"Pero naniniwala pa rin akong gumagana ang gayuma," natigilan ako sa kakatingin ng bituin. Tumingin ako kay Ate na ngayon ay malapit ng matapos sa ginagawa.

"Para sa'kin malakas pa rin ang bisa ng gayuma. Siguro akala nyo hindi b.u.misa ito sa kanya dahil  sa nalaman nyong may gusto pala talaga ang boyfriend mo pero ako na nagsasabi kung gaano kabisa ang gayuma."

"May itatanong po ako," lumapit siya sa'kin.

"Ano yun?"

"Nakagamit na po ba kayo ng gayuma?" usisa ko,dahilan para ngumiti siya.

"Oo,pero panandalian lang ang ginawa ko."

"Bakit naman po?"

"Ako mismo nagsawa eh. Kung hindi ko pa pala siya ginayuma hindi ko pa malalaman ang totoo niyang pagkatao. Bakla pala ang boyfriend ko noon,nalaman ko lang nang umamin siya sa'kin."

"Talaga? Pero paano nyo siya napamin?"

"Simple lang, dahil sa pagmamahalan niya sa'kin nagawa niyang magtiwala na umamin siya. Noong una tanggap ko ang pagkatao niya pero nung tumagal-tagal parang hindi na ko masaya. Kung dati madalas namin pag-awayan ang babae,pero nang malaman ko ang tunay niyang gender ay lagi na lang kami nag-aaway dahil sa isang lalake." Binuhat niya ang dalaw.a.n.g tray.

"Kaya ang ending,hindi naging happy ending."

"May posible po ba mawala ang bisa ng gayuma?" kahit alam ko, gusto ko pa rin malaman sa taong nakexperience na.

"Oo naman,pero yung nagbago ang feelings ko sa kanya posible rin. Hindi natin hawak ang nararamdaman natin,kahit sarili pa natin 'to. May mga bagay lang talaga na hindi natin maunawaan sa una pero kapag nakita mo sa huli ,ikaw pa magsasabi sa sarili mo na kaya pala. Kaya pala hindi niya magaw.a.n.g mahalin ka ,kundi lang dahil sa gayuma." nagpaalam na itong bababa. Habang ako ay tahimik na pinagmamasdan muli ang langit. Mayamaya,dinig kong b.u.mukas ang pintuan.

"Clarissa," tawag ko. Nawala ang ngiti ko nang b.u.mungad sa akin si Nixon.

"May usapan din ba kayo ni Clarissa ngayon?" biglang umihip ang hangin. Damang-dama ko ang lamig dahil wala naman bubong itong rooftop.

"Wala. May pinadala sa akin si Daddy para ibigay kay t.i.to. Balak ko na rin makita si Clarissa pero sabi ni Ate sa ibaba wala raw siya.".

"Pauwi na siguro yun," dagdag ko. Lumapit siya sa pwesto ko.

"Nasaan nga ba siya?"

"After ng uwian kanina, sinundo niya si Blaze sa room. Malamang, may date."

"Mabuti pa sila," sabi niya,dahilan para lingunin ko siya.

"Mag-girlfriend kana kasi," satsat ko bago maupo sa yantok na higaan. Sinundan niya ko. Naupo rin siya ngunit nakatalikod sa'kin. Ginawa ko na lang ay isandal ang likod sa kanyang likod din.

"Wala pa ko makitang deserve," nangiti ako dahil naramdaman ko ang likuran niyang na ground.

"Hiyang-hiya naman ang mga boyfriend namin sayo." narinig ko lamang siyang ngumisi.

"Nixon...."

"Hmm..."

"Ano ba gusto mo sa isang babae?" tumingala ako at muling ninamnam ang ganda ng kalangitan.

"Ang katulad nyo ni Clarissa ang gusto ko."

"Namin? Teka, ano ba meron sa'min na tingin mo magkapareho kami? Duh, ang layo namin sa isa't-isa ah."

"Parehong mabait, maalalahain, at tunay na kaibigan."

"Girlfriend ba hanap mo o isa pang kaibigan?" biro ko.

Tumawa, "Pwede both?"

"Sira, pero seryoso? Ano ba gusto mo?"

"...ikaw."

"Sira," tumawa ko na ayon sa gusto ko. Syempre ,nilakasan ko.

"Seryoso ako,ano ba..."

"Weh?" gamit ang likod ko ,ginawa ko siyang itulak. Tanging tawa lang ang ginawa niya habang ako ay nag-iisip ng malalim.

"Kung magkakgirlfriend man ako,ang gusto ko ang tulad nyo. Wala ng tanong-tanong. Basta iyon na yun."

"Naku, endangered species na ang tulad namin noh. Kaming dalawa na lang ang nat.i.tirang uri na perfect girlfriend."

"Ede,kung ganoon, isa na lang sainyo ang syo-syotain ko."

Hinampas ko ang balikat. "Lakas ng trip mo ah!" humarap din pala siya sa akin. Muntik pa kami magkahalikan. Luh? Matinding awkwardness ang nangingibabaw ang nararamdaman namin ngayon.

"Hi!" tawag ng kung sino. Mabilis kaming tumayo ni Nixon upang harapin siya.

"Clarissa," tawag namin pareho.

"Kanina pa ba kayo?" Tumingin kay Nixon, "Bakit nandito ka?" tinaasan ng kilay.

"Masama? May dinala lang akong papers sa Daddy mo." pinulupot ni Nixon ang kanyang braso sa leeg ni Clarissa.

"Ikaw naman, saan ka ba nang galing?"

Nawala sa mukha nito ang matinding saya. Maski ang pag-ngiti nito ay unti-onting ding nawawala. Matamlay siyang na upo.

"May problema ba?" pag-aalala ko. Nagkatinginan kami ni Nixon bago siya balikan ng tingin.

"W-wala. NapaG.o.d lang siguro ako sa pinuntahan namin ni Blaze." hindi magaw.a.n.g tignan kami.

"Ganon?" si Nixon.

"k.u.main na ba kayo?" feeling ko,umiiwas siya sa ganitong usapan.

"Tapos na," sabay namin sagot.

"Okay!" tumayo at binuksan ang mini ref sa gilid ng pintuan. "Inom tayo?" ang luwag ng pagkaka ngiti niya.

Bakit parang may nangyari hindi maganda sa kanya? Kilala ko si Clarissa kung kailan siya masaya at pilit sa saya. Inilatag namin ang manipis na sapin sa mahabang higaan. Ibinaba ang limang pirasong bote ng beer.

"Tulad ng sinabi ko, may ilan estudyante ang hindi makakgraduate." sabi pa ni Nixon.

"Kung meron,saan section?" tanong ni Clarissa. Tumingin sa akin si Nixon.

"Sa section namin?" gulat kong taong. "Sa amin talaga?" pero mabilis din akong na tauhan. Saan pa nga ba may dapat asahan? Syempre, sa last section. Hay, sino naman kaya ang hindi makakgraduate? Nakakalungkot naman.

"Wala pang final kung ilan,"

"Ha? Ibig sabihin hindi lang isa ang----"

"Oo, hindi lang isa. Pwedeng dalawa,tatlo,o mas marami pa."

"Hindi pwede," naiinis kong sabi. Kinuha ko ang cellphone. Tinext ko si Pres,para tanungin kung may alam siya sa mga babagsak sa section namin.

"Wala na ba ibang paraan?" siyang tingin ko kay Clarissa.

Buntong-hininga tumingin sa amin si Nixon.

"Mayroon siguro ,pero hindi ko pa alam kung ano. Magme-meeting pa lang kami bukas."

Yumuko ako, "Sana may paraan pa para sabay-sabay kaming aakyat sa stage." malungkot kong wika. Sakto nag-reply si Pres.

Sinabi niya sa text kung pwede raw ba siyang tumawag. Hindi ko nireplayan at ako na itong kusang dumayal sa number niya.

"Excuse me," paalam ko sa dalawa. Doon ako tumayo malapit sa ilaw na hindi kalayuan sa kanila.

"Klea?" Bungad ni Pres.

"Opo." tugon ko. Malungkot itong nagbuntong-hininga sa kabilang linya.

"Alam ko na tungkol dyan. Bukas kasama kami sa magme-meeting pero alam ko na kung sino ang ilan na hindi makakgraduate." nanlambot ang tuhod ko. Nagawa kong maupo habang nakatalikod sa dalawa.

"Nakakalungkot," sabi ko pa.

"Hayaan mo. Bilang President ng section natin gagawa ako ng paraan para walang maiwan. 'Di ba nga, pinangako kong sabay-sabay tayong ggraduate?"

"Oo, Pres. Thank you ha? Alam mo naman kahit mga bugok ang mga cla.s.smates natin deserve nilang makapasa."

"Tama ka. Hayaan mo kapag may nalaman na ko sa meeting sasabihan kaagad kita."

"S-salamat,"

"Wala yun, sige na Klea, baka na is...o...b.. na kita. Magkita na lang tayo bukas." Pinatay kaagad ang kabilang linya.

Napabuntong-hininga muna ako bago tumayo at balikan ang dalawa. Muntik ko nang mailaglag ang hawak kong cellphone. Yung mas makakapanginig pa sa tuhod ko ang nasasaksihan ko ngayon. Magkayakap silang dalawa. Hindi na dapat iba ito sa'kin pero bakit ganoon? Ibang-iba ang dating sa akin. Parang wala akong nakikitang hug of friends sa pagitan nilang dalawa.

Naupo ako muli sa pwesto ko kanina. Napansin nilang dumating ako kaya agad itong lumayo sa isa't-isa. Todo iwas ako na huwag nila mapansin ang pagiging awkward. Napansin kong nagpupunas ng luha si Clarissa.

"Bakit?" tanong ko. Walang nagsasalita isa sa kanila. "May dapat ba kong malaman?" sana mali ang iniisip ko sa kanilang dalawa.

"Break na kami ni Blaze," tila nawalan ako ng pangamba sa dibdib pero napalitan naman ito ng lungkot sa nalaman ko. Nilapitan ko siya upang yakapin.

"Bakit kayo nag-break?"

"Siguro Klea, ganoon nga talaga ang love. Kailangan mong iwan ang taong naging dahilan ng saya at lungkot sa buhay mo."

"Hindi mo na ba siya mahal?"

"Mahal, pero hindi na tulad ng dati.This is my fault. I am the reason for our break-up. Kaya ayoko pumasok sa isang relasyon dahil kapag tumagal-tagal bigla na lang akong nagsasawa."

"Magandang reason na ba ang hiwalayan?"

"Siguro," si Nixon ang sumagot. "Baka iyon lang ang makakapagpagaan sa mga nararamdaman nyo. Break-up  is an unsightly answer and a way to be free from the sad scenario." hindi ko alam kung saan k.u.mukuha ng hugot itong kaibigan ko.

"Pumayag kaagad si Blaze? Akala ko ba mahal ka niya?" Di ako makontento sa mga sagot nila.

"Ayaw niyang makipaghiwalay sa akin. Wala na rin siyang magagawa. Ayoko na," umiiyak niyang sagot.

"Wala akong nakikitang mali sa inyong relasyon. Mabait si Blaze." Sabi ko pa.

"I know, I know, napaka lakas ng sense of humor niya. Hindi ko lang talaga maintindihan ang nararamdaman ko."

"Tahan na. Palipasin mo muna ng ilang araw,baka naman hanapin mo pa siya. Baka naguguluhan ka lang dahil ang dami natin ginagawa."

"Maybe," satsat ni Nixon. "Hangad ko ang pagbabalikan nyo." Inubos niya ang laman ng bote.

Umalis kami sa pagyayakapan tapos inubos na rin ang beer. May nakikita akong kakaiba sa ikinikilos ng dalawa. Panay kasi ang hawak ni Nixon sa kamay ni Clarissa. Ang awkward talaga.

***

Kinabukasan..

Pirmahan lang ng clearance ngayong araw kung kaya't may pagkakataon na makusap kami ni Pres. Naupo kaming lahat na hugis bilog. May kanykanya kaming sasabihin ukol sa mga naranasan sa pag-aaral. Ang bawat isa ay hindi nakaligtas sa pambubully ng ibang sections. Nandoon lagi kami ang nagsisilbing alipin sa bawat event. Siguro nga dahil low section kami. Wala kaming kwenta pagdating sa lahat ng bagay. Ngunit wala silang alam sa mga pinagdaraanan namin. Mas matutuwa kami kung mapunta sila sa Low section para mas makilala nila ang tulad namin.

"Tungkol sa meeting namin kanina. Napag-usapan  may ilan sa atin ang hindi makakgraduate." pag-amin ni Pres. Lahat sila ay nagbulungan at the same time na galit.

"Paano nangyari yun? Nag-review kami sa final exam natin. Nakakasiguro akong lahat tayo nakapasa." Komento ng isa.

"Oo nga! 'Di ba Pres, nag-review pa nga tayong lahat. Dahil ang sabi ni Teacher kahit mababa ang grades mo sa mga nakaraang grading kung maipasa mo 'to makakgraduate ka. Eh ano 'to? Bakit may b.u.magsak pa?" nagtatakang tanong ng isa pa.

Buntong-hininga nakatingin sa'min si Pres.

"Ipinagtataka ko rin yan." Tumayo ito at kinuha ang mga test paper sa kanyang bag.

"Hawak ko ang mga test paper natin." Isisa niyang ipinamigay sa amin ang test na may check.

Kunot-noo akong nakat.i.tig sa test paper. Parang may mali? Bakit na iba yung mga sagot ko rito? At tsaka, bakit nakthirty lang ako line of 100?

"Hindi ko ito test paper!"

"Mali-mali ang sagot!"

"Hala! Alam ko ang sagot sa number 10 pero bakit iba ang sagot ko? Ang alam ko ,letter C ang binilugan ko eh,bakit letter B?"

"Oo nga! Tignan nyo papel ko oh, halos burbura ang sagot."

"Nakthirty lang ako. Huhuhu, samantalang ang dami kong alam na tanong at sagot dito. Bakit???"

"LAHAT TAYO NAKTHIRTY LANG?!!!"

Sumakit ang ulo ko sa mga reklamo nila. Ang nakakapagtaka bakit parang na doctor ang test paper namin? Kung totoo man na nakthirty lang kaming lahat bakit iilan lang ang hindi grgraduate?

"Palagay ko may gumalaw sa mga test paper natin." mahinahon na sabi ni Pres samin lahat.

"Sino? Sino gagawa nun?" Tanong ko.

"Ede ang ibang sections." iritableng sabi ni Blaze. Lumabas ito sa room namin na parang galit na galit.

"Anong gagawin natin? Paano malalaman kung sinong walang hiya gumawa nito?"

"Itatanong ko kay Ma'am kung sino ang nag-check ng mga test natin." Tumayo muli si Pres.

"Paano yan? Paano tayo makakapag-reklamo?" Usisa ko pa.

"Hintayin natin ang sasabihin ni Ma'am Faustino." Wala kaming nagawa kundi ang manahimik. Sobrang hirap lang isipin na gagawin sa'min ito ng ibang sections para lang hindi kami makgraduate. Ang sasama talaga nila!

"Uy! Uy! Bilisan nyo may gulo sa ibaba ng building!! Biliiiissss!" Hingal na hingal na sabi ng isa naming cla.s.smate. Agaran kaming b.u.maba upang makita kung sino nagkakagulo.

Marami nanunuod sa kung anong klaseng away. Doon ko lang napagtantong kilala ko kung sino ang sangkot sa gulo. Makikigulo sana ako dahil pinagsasampal si Clarissa ng kaaway niya habang nakahiga ito ngunit seryoso lamang akong pinigilan ni Pres.

"Lalo lang tayo malalagay sa problema kapag sumali kapa sa away,"

"Kaibigan ko si Clarissa. Natural tutulungan ko siya 'di ba?" naiinis akong pinanuod muli ang away. Gusto kong k.u.mawala pero ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin.

Laking luwag ng puso ko ng makatayo siya. Awat-awat na ng ibang estudyante ang dalawa ngunit wala pa rin silang tigil kakasagutan na hindi ko maunawaan kung ano ang away nila.

"Patas na tayo. Kung na agaw mo man si Blaze sa akin, pwes laking tuwa ko dahil nakaganti kaagad ako sayo!" sabi ng babae.

"Talaga? Ano ba patas doon? Isa lang naman ang dahilan ng pag-eenarte mo pero napakarami naman ang nadamay sa kagagahan mo!"

"What ever!"

"Makakarating 'to sa guidance office. Sisiguraduhin kong isa ka sa hindi makakgraduate!" sigaw ni Clarissa. Lumapit sa kanya ang babae, handa na niyang sampalin ang kaibigan ko pero kaagad kong napigilan ang kamay niya.

"Subukan mong saktan ang kaibigan ko. Paduduguin ko yang nguso mo!" matalim na tingin ang ibinigay ko sa kanya. Sa gigil ko rito itinulak ko siya palayo sa'min.

"Hoy! Wag ka ngang mangialam dito!" Singhal niya.

"Bakit hindi pwede? Kaibigan ko 'tong pinagtutulungan nyo."

"Epal ka rin noh? Siguro tanggap mo nang hindi kayo makakgraduate kaya wala lang sayo kahit mguidance ka!"

b.u.mulong sa akin si Clarissa, "Best, may kinalaman sila sa pangdo-doctor ng exam nyo. Section A ang dahilan kung bakit halos lahat ng last section hindi grgraduate." sumbong niya sa'kin.

"Napaka sama nyo! Ano bang kasalanan namin para gawin nyo ito!" kuyom ang kamao ko habang gigil kong tinitigan.

"Hindi namin gusto masira ang batch dahil sainyo." binigyan niya ko ng kaydapat-lang-wag-kayong-grumadweyt-look.

"Napaka babaw ng dahilan nyo. Iyon lang? Gumawa kaagad kayo ng hindi maganda."

Nilapitan niya ko, "Kung gusto nyong grumadweyt pwede ba next year na lang? Kasi na aalibadbadran kami sa Last section."

"Sino ka ba para sabihin mo 'yan!"

"Me? I'm Trixie, bestfriend of Leny. Si Leny na inagawan mo ng boyfriend dahil sa gayuma." taas ang kilay habang nakapameyw.a.n.g.

"Matagal na kong gusto ni Amir." mariin kong sabi.

"Talaga? Kung totoo man,bakit hindi ka niya kaagad sinabi sayo? Kasi kinakahiya ka niya." tawanan ang mga nanunuod.

"Ang panget mo kaya. Sino bang bobo ang magkakagusto sayo." mas nagkingay ang tao.

"Na straight lang yang buhok mo. Nahiluran ka lang kaya medyo pumuti ka ,pero ang totoo hindi ka katanggap-tanggap sa lipunan."

"Hoy! Itikom mo yang bibig mo kung ayaw mong kalbuhin kita!" Bulyaw ko.

"Then do it!" sinuG.o.d niya ko. Dalaw.a.n.g kamay niya ang nakasabunot sa buhok ko habang may ilan na nakikisipa sa tagiliran ko.

"Kay Trixie ,ako!"

"Klea kami, mali naman talaga ginawa ng Section A!"

"Uy! Uy! Pigilan nyo!"

"Hayaan nyo silang makalbo."

"Omg! Patay tayo nito kapag may makakitang Teacher!"

May mga umawat sa'min. May iilang hibla ng buhok ang naiwan sa kamay ko. Marahil kanya ito dahil sa kulay maroon niyang buhok.

"d.a.m.n you! Anong ginawa mo sa buhok ko!?" gigil niyang pinagsisipa ang mga paso sa paligid.

"Kulang pa 'yan! Dapat kalbo kana!"

"Kakalbuhin din kita!!!" palapit na siya nang mapansin ko ang isang bag,kinuha ko at ipupukol sana sa kanya pero may umawat sa braso ko. Sobrang higpit ng pagkakahawak nito. Ang mga mata niya na hindi mo magaw.a.n.g magbiro dahil seryoso sya. Tiim bagang din itong nakat.i.tig sa akin habang pahigpit nang pahigpit ang pagkakahawak niya.

"amir..." nanginginig man ang tuhod dahil sa takot ay pinilit ko pa rin magtapang-tapangan.

"You have no right to do that." Motoridad niyang sabi.

"Meron ,dahil may kinalaman ang section nyo kung bakit hindi kami makakgraduate!" sa sobrang sama ng loob ko na gawa ko siyang sigawan.

Hinatak niya ko at mas hinigpitan nito lalo ang pagkakahawak sa akin. Tila wala siyang paki-alam kung nasasaktan na niya ko.

"Cla.s.smates ko pa rin ang sinasaktan mo. Section ko pa rin ang pinagbibintangan mo! Wala kang karapatan para bantaan ang cla.s.smate ko!!!!" na ngibabaw ang boses niya.

Yung kanina sobrang ingay ng mga nanunuod ,ngayon ay tahimik na mga ito. Marahil natakot sila dahil galit na nang tuluyan si Amir. Alam na alam ng mga ito kung paano magalit ang boyfriend ko. Alam na alam nila kung kailan sila dapat lumugar.

Naninikip ang dibdib ko. Hindi ko inaasahan na magagawa niya ito sa akin. Sigawan niya ko sa maraming tao? Okay lang. Pero yung ipamukha niya sa akin na mas kinakampihan niya ang buong Section A ,parang ang sakit tanggapin.

"And what h.e.l.l are you doing to shake my cla.s.smate!" sabi ng kung sino.Hinawakan ako sa kabilang braso.t.i.tignan ko pa lamang kung sino ang nagsalita pero kaagad may tumamang kamao sa mukha ni Amir.

Tumba ito. Nagmamadali siyang itinatayo ng mga kaklase. Hinagilap ko kaagad kung sino ang sumapak sa mukha ni Amir. At mula sa likuran ko, ang hingal na hingal na katawan ni Nixon. Namumula ang kamao nito habang naka kuyom. Tinignan ko rin kung sino ang may hawak sa kabilang braso ko, hindi ako nagkamali dahil si Pres pala ang nagsalita kanina. Matinding tensyon ang nangingibabaw. Wala ni isa gusto magsalita. Wala ni isa gusto makisawsaw sa away. Hinatak akong bahagya ni Clarissa palayo sa pwesto nila Pres, Amir at Nixon. Parang nanunuod lang ako ng pelikula.

Si Amir,masamang-masama ang tingin kay Nixon. Habang si Pres ay nang gigigil nakatingin kay Amir. Si Nixon? Ayon, wala man lang kabakas-bakas na galit o saya sa mukha,in short poker face siya ngayon.

"T-tumawag na tayo ng guard." nanginginig kong sambit kay Clarissa.

"Hindi pwede," kunot-noo ko siyang tinignan.

"Pagkakataon ng tatlo kung sino sa kanila ang mas aangat. Hindi mo ba pansin na halos lahat ng tao rito napupustahan ng palihim?" tinignan ko ang mga tao. Oo nga, palihim silang nagpupustahan. Palihim kung kanino sila ang unang tutumba.

"Hindi tama ito." diin ko.

"Kahit magkampihan kayo wala akong pakialam. Gusto nyo sugurin nyo ko ng sabay! Sige!" maangas na hamon ni Amir.

Ngayon ko lang na realize na sobra yata siyang yabang. Feeling ko, hindi sya si Amir na dating kaakit-akit sa aking paningin.

Tumingin sa akin si Pres, "Kung papayag ba si Klea,sige." nakangisi niyang sabi.

"Nooo... Please, tumigil na kayo." pakiusap ko.

"Of course, hindi payag ang girlfriend ko na saktan nyo ko. Ganyan naman talaga ang galawan nyo 'di ba? Aminin nyo man o hindi, alam kong pareho nyong nagugustuhan si Klea."

Pareho? Ang alam ko si Nixon lang ,pero kung si Pres.? Hindi ah, hindi....

"Oh ano naman sayo?" tumaas ang balahibo ko sa braso at batok. Tama ba 'tong narinig ko?

"Gusto namin si Klea, at gusto namin malayo siya sa gaya mong bulok ang ugali." hindi ko kinakaya 'to.

Nanlalabo ang mata ko,may kung anong mainit na tubig umaagos mula sa aking ilong. Matapos kong  hawakan ang ilong,doon ko napagtanto na dugo na pala ang nasa daliri ko. Hilong-hilo na ko, at tuluyan nang nagdilim ang buong paligid.

Please click Like and leave more comments to support and keep us alive.

RECENTLY UPDATED MANGA

Keyboard Immortal

Keyboard Immortal

Keyboard Immortal Chapter 2772: Peak Acting Author(s) : 六如和尚, Monk Of The Six Illusions View : 1,961,597
Martial God Asura

Martial God Asura

Martial God Asura Chapter 6159: Lightning Aura Author(s) : Kindhearted Bee,Shan Liang de Mi Feng,善良的蜜蜂 View : 57,490,365
Cultivating In Secret Beside A Demoness

Cultivating In Secret Beside A Demoness

Cultivating In Secret Beside A Demoness Chapter 1314: A Glimpse of the Great Dao (1) Author(s) : Red Chilli Afraid Of Spiciness, Red Pepper Afraid Of Spicy, Pà Là De Hóngjiāo, 怕辣的红椒 View : 506,965
My Girlfriend is a Zombie

My Girlfriend is a Zombie

My Girlfriend is a Zombie Chapter 842: Unexpected Contact Author(s) : Dark Litchi, 黑暗荔枝, Dark Lychee View : 2,300,933
Zhanxian

Zhanxian

Zhanxian Chapter 842: New Beginnings Author(s) : Ren Yuan, 任怨 View : 2,975,648

Potion Of Love 38 Chapter 37 summary

You're reading Potion Of Love. This manga has been translated by Updating. Author(s): Ayieshien1991. Already has 731 views.

It's great if you read and follow any novel on our website. We promise you that we'll bring you the latest, hottest novel everyday and FREE.

NovelOnlineFull.com is a most smartest website for reading manga online, it can automatic resize images to fit your pc screen, even on your mobile. Experience now by using your smartphone and access to NovelOnlineFull.com